Privilege Speech of
SENATOR EMMANUNEL D. PACQUIAO
Senate of the Philippines
August 8, 2016
SENATOR EMMANUNEL D. PACQUIAO
Senate of the Philippines
August 8, 2016
The Death Penalty
Mr. President, mga kasama kong senador at sa ating mga kababayan, magandang hapon po.
Mr. President, I rise on a matter of personal and collective privilege on matters of public concern.
My first ever privilege speech as a Senator will focus on one of the biggest issues plaguing our country. I speak before you because of the sense of urgency on the issue of drug problem which has become alarming as it gets worse each day.
Lumalawig na naman ang usapin patungkol sa parusang kamatayan o death penalty. Hindi kasi maiaalis sa akin ang pag-aalala kung maganda rin kaya ang hapon ng mga pamilyang nabibiktima ng ilegal na droga.
Bago ako makilala na boksingero, naranasan ko ang buhay sa lansangan ng General Santos at Sarangani. Maging nang ako ay nagsisimula nang lumaban sa professional boxing, naikot ko ang iba’t ibang sulok ng Metro Manila. Dito ko personal na nakita ang masamang epekto ng ilegal na droga.
Anak, pinatay ng sariling ama. Estudyante, sinaksak habang pauwi sa bahay. Buntis, ginahasa ng ilang ulit. Mga batang menor de edad, ginahasa at pinatay. Iba’t ibang mapapait na istorya. Isa sa mga naging dahilan ng problema ay paggamit ng ilegal na droga.
Narito po ako ngayon sa inyong harapan upang humingi ng suporta sa agarang solusyon at nang ito ay matigil na.
Sa ating napipintong debatehan hinggil sa implementasyon ng death penalty o parusang kamatayan, ako ay nababagabag sa masasayang nating panahon. Kung bakit ko po nasabi ito? Please allow me to explain.
Nang balangkasin ang ating Saligang Batas noong 1986, isang komite ang itinalaga upang suriin ang iba’t ibang pananaw ukol sa parusang kamatayan.
In 1986, Father Joaquin Bernas presented to the committee a proposed bill of rights relative to death penalty, originally worded and I quote: “Excessive fines shall not be imposed, nor cruel, degrading or inhuman punishment or the death penalty inflicted. Death penalty already imposed shall be commuted to reclusion perpetua,”end of quote.
Subalit ang panukalang ito ay hindi nakapasa dahil matapos ang matinding debate at talakayan sa pagitan ng mga dalubhasa sa batas, mas naging matimbang ang pagkakaroon ng Capital Punishment sa konstitusyon, base sa sitwasyon at kultura nating mga Pilipino.
Hindi po pangkaraniwang mambabatas ang bumuo sa Philippine Constitutional Commission noong 1986 dahil ito ay kinabilangan nina Commissioners Christian Monsod, Senator Ambrosio Padilla, Francisco Soc Rodrigo, Justice Florenz Regalado, Ricardo Romulo, Bishop Teodoro Bacani, Rustico Delos Reyes Jr., Lugum Uka at Crispino De Castro.
Ayon sa kanila, ang isang bansa o estado ay kinakailangang magkaroon ng kakayanang protektahan ang kanyang mga mamamayan at ang kanilang kaligtasan at seguridad laban sa mga kasuklam-suklam na krimen o heinous crimes.
Minabuti ng mga kinatawan ng sambayanang Pilipino na katigan ang patuloy na pagpapataw ng kaparusahang kamatayan. Sa dakong huli, napagkaisahan ng komite na pagtibayin ang paglakip sa konstitusyon ng parusang kamatayan dahil isa itong mahalagang sandata upang mapigilan o mabawasan ang mga kriminal na banta sa katiwasayan ng bayan, maging sa mga inosenteng mamamayan.
Napakaraming mahahalagang batas pa ang patuloy na nakabinbin at nangangailangan ng ating agarang atensiyon. Kailangan pa po ba nating ubusin ang ating panahon para talakayin muli ang matagal na nilang tinapos at isinarang usapin ukol sa parusang kamatayan?
Even during the time when our Constitution was in its beginning stage, these great Filipino minds already opposed the abolition of death penalty for heinous crimes through appropriate legislation.
It was for this reason that Article 3 Section 19 was reworded and its present cast, I quote, “Excessive fines shall not be imposed, nor cruel, degrading or inhuman punishment inflicted. Neither shall death penalty be imposed, unless, for compelling reasons involving heinous crimes, the Congress hereafter provides for it.” End of quote.
Natigil lamang ang implementasyon nito base sa rekomendasyon ng mga nakaraang pangulo at naisabatas ang R.A. 9346 repealing R.A. 7659, the death penalty law, but not abolishing the death penalty. Death penalty, in other words, was never abolished.
Kaya’t nararapat nating linawin na mula noon hanggang ngayon, hindi kainlanman ipinagbawal sa Saligang Batas ang parusang kamatayan lalong-lalo na sa mata ng Panginoon.
Death penalty is lawful, moral, and sanctioned governmental action. Having read the Bible on a regular basis–I am convinced that God is not just a God of mercy, but he is also a God of justice.
So on the issue of death penalty, I could not help but consult the Bible, and I found numerous verses. And here are some:
In Genesis Chapter 9 verse 6,
“Whoever sheds human blood, by humans shall their blood be shed; for in the image of God, has God made mankind."
“Whoever sheds human blood, by humans shall their blood be shed; for in the image of God, has God made mankind."
Sa Exodus 21:12, sinasabi ng banal na Bibliya na: "Ang nanakit sa isang tao, na ano pa't mamatay, ay papataying walang pagsala."
The New Testament recognizes the legitimacy of capital punishment in Romans Chapter 13 Verse 4: “For the one in authority is God’s servant for your good. But if you do wrong, be afraid, for rulers do not bear the sword for no reason. They are God’s servants, agents of wrath to bring punishment on to the wrongdoer.”
Sa kasalukuyan, isa sa mga pangunahing krimen na kinikilala ng lahat na heinous o sadyang karumal-dumal ay ang illegal na droga.
WALANG PINIPILING MABIBIKTIMA ANG ILEGAL NA DROGA.
Even innocent civilians who denounce drugs can be unwilling victims once an addict goes out to the street and wreaks havoc.
WALANG PINIPILING MABIBIKTIMA ANG ILEGAL NA DROGA.
Even innocent civilians who denounce drugs can be unwilling victims once an addict goes out to the street and wreaks havoc.
Mabibilang pa ba natin sa ating mga daliri ang mga kilala nating pamilya na sinira na ng ilegal na droga?
Mr. President, mga pinagpipitagang kapwa ko Senador, wala ni isa man sa atin na hindi nakikiisa at makikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagnanais na sumugpo sa paglaganap ng ilegal na droga sa mahal nating bayang Pilipinas.
In 2015, the Philippine Drug Enforcement Agency or PDEA released a report that 11,309 out of 42,029 barangays in the country or 26.91% are considered drug-affected.
Pero higit na nakakabahala ay ang estadistika dito sa NCR. As of June 2016, 1,577 out of 1,706 barangays are drug-affected. That makes it 92.44% in NCR alone. May tinatayang 1.3 million drug users ngayon sa bansa ayon sa datos ng Dangerous Drugs Board, hahayaan ba nating dumating ang araw na maging ang ating mga anak at mahal sa buhay, Mr. President, ay kasama na sa bilang na ito?
Masyadong maluwag ang ating batas para sa mga drug traffickers. Sa aking pagsasaliksik at personal na kaalaman tungkol sa illegal drug trade, nabuo ko ang simpleng analysis na may dalawang mukha ang drug trade.
Una ay ang mga users na adik sa droga. Pangalawa, Mr. President, ay ang mga drug lords, manufacturers, pushers at protectors na ADIK naman SA PERA. Mas maraming droga, mas maraming kita.
Ang mga mayayamang drug traffickers na ito ang higit na nakakabahala. Kahit sa siyensya, wala pang gamot ang naiimbento upang sugpuin ang pagkagahaman nila sa pera. Ito ngayon ay tinatawag na wealth addiction.
Ang mga adik sa pera ay walang pakialam kung masira ang kinabukasan ng kanilang mga nabibiktima. Basta ang mahalaga, dumami ang kanilang pera.
Yes, drug addicts are addicted to drugs. While drug lords, pushers and protectors are addicted to money.
Tungod sa inyong pagkasungak-sungak sa kwarta, wa ninyo panumbalinga ang dautang epekto sa ilegal nga droga ngadto sa inosenteng mga biktima. Wa ba mo gihasol sa inyong konsensya? Ayaw ninyo binuangi ang mga katawhang pobre!
We must speak to these criminal minds in the only language they understand. They must understand that our government will put a stop to impunity.
They have profited from the blood of thousands upon thousands of Filipino youths. IT MUST STOP NOW.
Let us put more teeth in the law penalizing drug related activities.
But let’s not disregard the rights of suspects to a fair trial.
But let’s not disregard the rights of suspects to a fair trial.
Noong sinuportahan ni Professor Esteban Bautista ng UP Law Center ang death penalty, simple subalit direct to the point ang kanyang pahayag. And I quote: “When people begin to believe that organized society is unwilling or unable to impose upon criminal offenders the punishment they deserve, they are sowing the seeds of anarchy of self-help, of vigilante justice and lynch law. The people will take the law upon their hands and exact vengeance in the nature of personal vendetta.” End of quote.
Dahil dito, ako po ay nagfile ng Senate Bill No. 185: “An act to impose the Death Penalty and increased penalties on certain heinous crimes involving dangerous drugs, amending for that purpose other special penal laws, and for other purposes”.
Akin pong dalangin na nawa’y mabigyan agad ng pansin ito, upang agaran nang mapatawan ng parusang kamatayan ang mga nasa likod ng talamak na drug operations sa ating bansa.
Mas magiging epektibo ang pagpapatupad ng batas kung lalagyan ito ng pangil, pangil na agad magpapahinang loob sa mga nagbabalak pa lamang gumawa ng kalokohan.
This was the same philosophy used by Lee Kuan Yew when he sternly implemented criminal legislation in Singapore. According to the late Prime Minister Lee Kuan Yew, and I quote: “In criminal law legislation, our priority is the security and well-being of law-abiding citizens rather than the rights of the criminal to be protected from incriminating evidence.” End of quote.
Political will to protect the law-abiding citizens and discipline were the formula of Lee Kuan Yew that brought progress to his country.
Nasaan ang Singapore ngayon? Nasaan tayo?
Mr. President, ako ay humihingi ng tulong sa inyo at sa aking mga kapwa mambabatas para malunasan na ang ugat ng kanser sa ating lipunan.
Ang lahat po ay may karapatang mabuhay. Pero bilang mga mambabatas, may obligasyon rin po tayo sa ating mga mamamayan na mabigyan sila ng tahimik at maayos na pamumuhay.
Wala tayong dapat ikatakot sa death penalty dahil ito ay para lamang sa mga taong walang habas gumawa ng karumal-dumal na krimen.
Sa death penalty for drug traffickers, kakampi po natin dito ang sinumang Juan Dela Cruz at lahat ng Pilipino na sumusunod sa batas at gumagalang sa karapatan ng kanyang kapwa.
May mga nagsasabi na the war on drugs is bound to fail. Yes! We are bound to fail only if we are divided. But, listen to this: We will stand and succeed if we are united.
Mr. President, daghang salamat ug maayong hapon sa atong tanan.
Comments
Post a Comment